September 16, 2009...3:07 am

Lyrics: Kabataan ay Alay sa ‘Yo

Jump to Comments

Sa paglipas ng bawat sandali sa ‘ming buhay
Ikaw oh Dios ang nagturo ng landasing tunay
Sa paglilingkod namin sa tuwina ay gabay
Upang kamtin pangarap na walang hanggang buhay

Hindi matutumbasan ang mga kabutihan
Sampu na ng pag-asang sa ami’y inilaan
Ang nakayanan ng aming mga kaliitan
Ay ialay itong buhay at pasalamatan

Kabataan ay alay sa ‘Yo magpakailanman
Tanging Ikaw lamang Ama ang paglilingkuran
Ang pagsamo namin ay palagi Mong samahan
Upang maging dapat
Paraiso ay makamtan

Ang pagsamo namin ay laging Mong alalayan
‘Pagka’t nangangambang malugmok sa kasalanan
Pangako’y paglilingkuran h‘wag lamang iiwanan
Upang sapitin ang mithing buhay walang hanggan

Hindi matutumbasan ang mga kabutihan
Sampu na ng pag-asang sa ami’y inilaan
Ang nakayanan ng aming mga kaliitan
Ay ialay itong buhay at pasalamatan

Kabataan ay alay sa ‘Yo magpakailanman
Tanging Ikaw lamang Ama ang paglilingkuran
Ang pagsamo namin ay palagi Mong samahan
Upang maging dapat paraiso ay makamtan

Ang pakiusap namin sana ay Iyong dinggin
Abang kaliitan namin sana ay kukupin

Kabataan ay alay sa ‘Yo magpakailanman
Tanging Ikaw lamang Ama ang paglilingkuran
Ang pagsamo namin ay palagi Mong samahan
Upang maging dapat
Paraiso ay makamtan

Upang maging dapat sa buhay walang hanggan… walang hanggan

3 Comments


Leave a Reply